Pages

Thursday, September 20, 2012

LOVE IS LIKE BASKETBALL

Dapat give and take ang laro. Shempre, one will always win, one will always lose. Ganun din naman sa love diba? Laging merong nagmamahal ng higit sa isa. At yung isa laging humahabol. Minsan may fouls, kasi minsan nagkakasakitan na. No relationship is perfect kaya allowed ka hanggang 6 fouls. Kaso pag fouled out ka na, kailangan mo ng humanap ng ibang kalaro. Masiado mo kasing ” Hinaharas ” iyung kalaro mo.

Ganun nga talaga siguro. Pag naghahanap ka naman ng isang kalaro na ayaw makipag laro sa’yo, para kang nagmamahal sa isang taong hindi ka mahal. Pag meron naman dyan na isinasali ka sa laro na ayaw mo, para kang hinahabol ng isang tao na hindi mo naman mahal. Pero diba mas mahirap pag pareho niyong gusto maglaro, kaso hindi na pwede kasi iyung isa sa inyo eh may kalaro na o kaya pareho kayong may kalaro na?


Eh sino ba yung referee? Ahh. Yung mga kaibigan mo na minsan pilit na pinaghihiwalay kayo. Swerte mo kapag kakampi mo iyung referee. Kasi hindi ka niya tatawagan ng fouls, kaso iyung kalaro mo naman hurting inside na eh hindi mo pa alam. Ang hirap intindihin no? Complicated.

Para nga talagang love. Parang basketball. Pero siguro dapat natin tandaan, wag na wag lilipat sa ibang court kapag may kalaro ka pa sa court mo. Mahirap mag double play. Isa lang ang katawan mo. Mahirap maglaro sa dalawang court. Dapat stick to one ka lang.

Oh diba? Mas maayos ang game.Ikaw? Kailan ka kaya makakahanap ng kalaro na hindi mang-iiwan sa court? O isa ka na rin sa mga maswerteng taong hindi sila iniiwan ng kalaro nila sa court?

0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About