
Kapag ganun at nakakahalata ka na, kung kaya mong ayusin. Ayusin mo, hindi ako makakapagpayo ng kung ano ang dapat mong gawin dahil kayo ang nasa relasyon. Kayo ang may alam ng istorya niyong dalawa. At kapag ginawa mo na ang lahat ng magagawa mo at wala pa rin. Ihanda mo na ang sarili mo na anumang araw eh maari siyang mawala sayo.
Huwag mo dadamdamin ito. Parte ito ng buhay kapag umibig ka. Hindi naman kasi laging masaya ang kahihinatnan kapag nagmahal ka eh. Nagmamahal ka at nasasaktan para matuto ka. Para sa susunod, mas alam mo na ang gagawin mo, mas maalagaan mo ang relasyon niyo at ang sarili mo. Tandaan mo yan.
Pati b naman sa Blog emo ??
ReplyDeletewahaha..wala bang like dito..ililike ko sana ung comment ni abby..:P
ReplyDelete