Pages

Thursday, September 20, 2012

TO LOVE AND WIN IS THE BEST THING

Kung may bagay sa mundo na sulit sumugal. pagmamahal yun. Kapag nasuklian, 1st prize. Kapag hindi, 2nd prize. Kapag hindi ka sumugal, hindi ka panalo pero talo ka. Sa lotto lang pwedeng sabihin na pag hindi ka sumugal hindi ka panalo pero hindi ka rin talo. Iba pagdating sa pagmamahal. Pag wala kang binigay talo ka parin. Kapag tumaya ka at may bumalik sayo, panalo ka. Kasi masarap yung feeling. Kapag sumugal ka at alam mong may nakuha kang premyo pagkatapos. Lalo kung yung jackpot ang natyempuhan mo. Pero kung tumaya ka at hindi mo nakuha ang premyo, panalo pa rin yun. Ang importante sumugal ka.


May consolation prize para sa mga sumusugal na hindi nakakakuha ng premyo, ang tawag dun ay LESSON. At yun yung tipo ng premyo na hindi kailanman makukuha ng mga laging nanalo sa 1st prize o ng mga hindi tumataya. Kahit ipagpalit mo ang 1st prize mo sa consolation prize ko hindi mo maiintindihan ang halaga ng consolation prize kasi hindi naman para sa iyo yun. Ngayon kung hindi ka naman tataya, hindi ka nga mananalo pero talong talo ka naman. Kaya dapat taya lang ng taya kasi baka bukas makalawa para sayo na pala yung jackpot. Hindi ka naman tumaya.

0 comments:

Post a Comment

 

Blogger news

Blogroll

About