Pages

Thursday, September 20, 2012

HAPPINESS IS A CHOICE

Gasgas na pero totoo. Choice mo talaga ang maging masaya. Oo, sabihin na natin na ang dami mong pinagdadaanan sa buhay. Ang daming problema. Pero subukan mong tignan yung mga bagay na meron ka. Yung mga tao na laging nandyan para sayo. Pamilya at kaibigan na totoong nagmamahal sayo. Ang swerte mo pa rin diba? Magpasalamat ka. Wag natin kalimutan magpasalamat. Nagising ka ngayong araw diba? Nakakahinga ka pa. Buhay ka pa. Wag mo sayangin yung oras na binigay sayo, hindi lahat nabibigyan ng ganyang pagkakataon. Maging positibo ka lang lagi.


Nalulungkot ka? Iiyak mo. Hindi masamang umiyak. Kung yan makakapagpagaan sa loob mo, gawin mo. Sa bawat pagkakadapa mo, matuto kang tumayo agad. Hindi mahalaga kung ilang beses kang nadapa. Ang mahalaga kung paano ka tumayo at makipaglaban ulit. Yan ang makapagpapatatag sayo. Dyan ka may matututunan. Masarap sa pakiramdam pag masaya ka. Magaan. Pero wala nang mas sasaya pag ikaw mismo yung reason kung bakit nakangiti o masaya ang isang tao. Lalo na kung napapasaya mo sila kahit sa mga simpleng bagay lang. Simple lang pero ang lakas na ng impact nun. Tulad ng lagi kong sinasabi sa blog na ‘to, minsan yung mga simpleng bagay pa ang mas tumatatak o nagmamarka sa puso’t isipan ng isang tao.

3 comments:

 

Blogger news

Blogroll

About